top of page
Search

Start A Small Business!!

By: Nissa Mae San Jose

Hi! Nandito ako para ipaintindi sainyo ang kahalagahan ng pagbi-business o pag sisimula ng isang maliit na negosyo. Sa tingin mo bakit nga ba nag nenegosyo ang isang tao? Bakit sa dinami-daming pwedeng gawing trabaho pagne-negosyo ang napipili ng karamihan. Ako sa tingin ko nag nenegosyo ang isang tao dahil sa sariling pangangailangan, dahil kung walang nagne-negosyo na mundo wala tayong mabibilhan ng pangangailangan natin. Iba-iba ang dahilan ng mga tao kung bakit sila nagne-negosyo. Ako iba ang dahilan ko, sila iba ang dahilan nila, kanya-kanya tayong dahilan. Ikaw sigurado akong may dahilan ka kung bakit ka nandito at nag babasa ng blog ko,dahil gusto mong matuto kung ano nga ba talaga ang kahalagahan ng negosyo.

ree

Alam kung nandito ka para matuto kaya Ipag-patuloy lamang ang pag babasa. Siguradong marami kang matututunan. Matututo ka sa aking mga karanasan sa pag sisimula ng isang maliit na negosyo. Ipag-patuloy lamang ang pag babasa dahil eto ang aking karanasan tungo sa isang matagumpay na negosyante. Noong ako’y nasa high school palamang gusto kung mag-kapera ngunit ayokong humingi sa aking mga magulang. Dahil ako yung tipo ng taong gusto pinag-hihirapan lahat. Kaya gumawa ako ng paraan para magka-pera, nag-ipon ako hina-hati ko yung allowance ko sa isang linggo. Nakalipas ang ilang linggo nakaipon ako, kaya nung nakaipon na ako nagsimula akong mag isip kung paano nga ba lalago yung perang hawak ko.

Hilig ki mag-benta ng tinapay dahil hilig ko namang mag-bake ng kung ano-ano. Nagbenta ako sa mga tindahan at paminsan ay nagbebenta din ako sa aming paaralan. At ng kumikita na ako nabibili ko na ang aking mga gusto, pinag-patuloy ko lamang ang pag-bebenta. Nang maka- graduate ako ng high school, gumawa ako ng isang maliit na cart sa aming lugar, buwan na ang lumipas lumaki ang aking sariling cart. Taon na ang lumipas naka-graduate na ako ng collage, gramaduate ako ng collage na walang iniintindi ang magulang ko sa aking mga pangangailangan sa aking paaralan. kaya ikaw kung gusto mong kumita ng sarili mong pera wag kang mahiyang mag simula sa maliit na negosyo dahil kung magsisikap ka magiging matagumapay ka. Sana marami kang natutunan dito sa aking blog, at kung gusto mong magkapera na hindi humihingi sa iyong magulang, wag kang mahihiyang mag simula ng isang maliit na negosyo wala namang mawawala sayo kung susubukan mo.

 
 
 

Commentaires


© 2019 by TVOSB. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page