top of page
Search

Ang Buhay Na Nabago

By: Shielomniel Gardose

ree

Noon akala ko madali ang buhay kapag may pera. Oo madali nga pero naisip mo ba kung gaano ito pinaghirapan ng mga magulang mo at kung paano mol ang ito gastusin para sa kung ano-anong kagustuhan mo. Isang mapagpalang araw ako nga pala si Caleb, tapos na ako sa pag-aaral at ngayon ay isa ng matagumpay at kilalang negosyante sa bansa. Noong bata kahit kalian ay hindi ako nakaramdam ng kagipitan dahil sunod ako sa luho, onting hingi may maibibigay kaagad ang aking mga mgaulang kung kaya nakasanayan ko na ang lagging humingi sa kanila ng pera. Pero mapaglaro nga si tadhana nagkaroon ng sakit ang aking ina kung kaya hindi na nasunod pang muli ang aking mga luho dahil kailangan naming magtipid. Simula noon lagi nang naka budget ang lahat ng gastusin sa aming bahay at hindi pinagtuuan ang mga gamit na hindi naman ganoong kailangan. Mahirap bitawan ang mga bagay na nakagawian ko na, mga bagay at kaugalian na kinalakihan ko na, mga bagay na hindi sinira ng tadhana.

Mahirap para sa akin na baguhan ang aking mga nakasanayan kung kaya ay gumawa ako g paraan para magkaroon ng sariling pera para masunod ang aking luho. Dahil nahihirapan ako na hindi nasusunod ang aking luho ay sinimulan kong mag tinda ng tinapay sa aking mga kamag-aral noong ako’y nasa ika-9 na baiting. Sa una tinawanan at kinutya nila ako dahil lagi daw akong sunod sa luho noon at naging isang tindero na lang ng tinapay pero isinawalang bahala ko ang lahat ng sinasabi nila. Pinagpatuloy ko ang pagtitinda ng tinapay hanggang sa magkolehiyo ako at magkaroon ng isang maliit na tindahan malapit sa aking pinapasukang eskwelahan. Pag katapos ng iskwela ay dumederetso ako doon para magbantay, doon ko na ginagawa ang mga takdang-aralin na madali at pag kauwi naman sa bahay ang mahihirap. Simula nang kumita ako ng pera doon ko napagtanto ang tunay nitong halaga, natutunan kong madali ang mag labas at gumastos ng pera pero mahirap itong makuha dahil kailangan mo muna ng sipag at tiyaga para makuha ito. Mula noon hindi na ako basta basta pang bumibili ng mga bagay na alam kong gusto ko lang, natutunan ko na din ang mag-ipon para sa aking sarili at para narin tumulong sa aking mga magulang. Atsaka na lamang ako bumibili ng aking mga gusto kapag may sumobra sa pera na aking kinita at syempre binibilhan ko din ang aking mga magulang upang maibalik ang mga bagay na naibigay nila sa akin noon.

Nagyon ang negosyo kong bakery ay isa na sa mga kilalang bakery sa Pilipinas. Nagsimula sa maliit na negosyo at napalago ito habang ako’y nag-aaral pa, tiyaga at sikap lamang ang tanging puhunan upang mapalago ang ating naipundar. Kung kayo ay nag-aaral pa at gusto niyo na mag simula ng negosyo magplano lang kayo ng maiigi at siguraduhing hindi pababayaan ang inyong pag-aaral. Ang nais na pagne-negosyo sa murang edad ay hindi hadlang sa pag-aaral at hindi hadlang upang makamtan ang pangarap na bubuksan. Bago simulan magplano ka muna pagkatapos ay mag-ipon atsaka onti-onting simulant ang nais. Matutong maging matiyaga at mahaba ang pasensya dahil ang pagne-negosyo ay isang mahabang proseso. Sa umpisa ay mahirap dahil kalaban nito ang pag-aaral at wala pa masyadong tatangkilik dito dahil hindi pa ganoong kakilala. Kung talagang nais mo ang mag negosyo anumang humadlang ay ipagpapatuloy mo ito, dahil lahat ng hadlang ay pagsubok lamang yan.

 
 
 

Comments


© 2019 by TVOSB. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page