Opinyon Nating Lahat
- The Voice Of Small Business
- Oct 24, 2019
- 2 min read
By: Mary Jane Durias

“Encouraging students to start a small business at young age”. Itong advocacy na ito ay nararanasan o gusto maranasan ng kabataan. Karamihan sa ating mga kabataan ay gustong gusto makapag umpisa ng negosyo kahit na maliit lang. Kahit pa hindi natin gamay ang pag nenegosyo gusto pa rin natin magkaroon nito. Hindi dahil sa trip lang natin o mema gawa lang tayo sa buhay natin. Gusto natin magkaroon nito dahil may kanya kanya tayong rason o paglalaanan. Dahil alam din natin na makakatulong ito para sa atin. At marami tayong pwedeng magawa kapag tayo’y kumita na.
Maski ako sa sarili ko ay gusto ko magkaroon kahit na maliit na negosyo lang. Gusto ko magkaroon dahil alam kong makakatulong ito sa akin. Sa paraan na makakabawas ako ng gastusin pang project man o iba pang gastusin. Tayong mga anak ay minsan nahihiya na rin manghingi ng pera sa ating magulang lalo na kung sunod sunod ang babayarin. Nahihiya dahil marami na nga silang gastusin ay dadagdag pa tayo. Kaya para makabawas sa gastusin, bakit hindi mo subukan mag umpisa ng negosyo kahit na maliit lang? Alam kong gustong gusto mo pero hindi mo alam kung pano uumpisahan at anong negosyo ang maaari mong gawin. Siguro wala ka din pang umpisa kahit sa maliit negosyo lang. Bakit hindi mo umpisahan mag ipon sa natitira mong baon?. Itabi mo yung perang matitira sa baon mo at ipunin mo. Hanggang sa makaipon ka ng sapat na puhunan para makapag umpisa ng negosyo.
At kapag nakapag ipon ka na ng sapat na puhunan, mag umpisa ka na kahit na maliit na negosyo lang. Lahat naman ng bagay ay nag uumpisa sa maliit. Maliit na kalaunan habang tumatagal ay lumalaki o lumalago na. Huwag umasa na makakabenta ka agad at makakabalik agad sayo lahat ng pera o puhunan na inilaan mo. Nag uumpisa/mag uumpisa ka pa lang kaya huwag mong madaliin dahil lahat ng bagay ay pinag lalaanan ng oras at kailangan ng oras. Sa pag nenegosyo kailangan ng mahabang pasensya dahil mahabang proseso ito kahit pa maliit lang yan. Kailangan munang paghirapan para ang kalalabasan ay maganda.
Comments