top of page
Search

Bunga ng Pagsisikap

By: Shielomniel Gardose

Noon si Danah ay kapos sa pinansyal kung kaya natigil siya sa pag-aaral noong siya ay nasa ika-11 baitang. Naisipan niyang maghanap ng trabaho upang makaipon para makatuong sa mga magulang niya at para narin makabalik sa pag-aaral. Nang minsang naglalakad siya sa may highway pauwi ay may nakita siyang poster ng isang stall na naghahanap ng franchiser kung kaya't nagliwanag ang kaniyang mukha dahil naisip niya na malaki ang kikitain niya dito. Ngunit ng makita niya ang presyo nito ay nanlumo siya dahil wala siyang ipon na ganoong kalaki gayong kakasimula niya pa lamang sa trabaho. Nang makauwi siya sa kanilang bahay ay agad niya itong sinabi sa kaniyang mga magulang sapagkat malaking dagdag lang daw ito sa kanilang gastusin. Pinaliwanag niya sa kaniyang mga magulang ang maaari nilang maabot kapag nakapag franchise sila. HIndi parin pumayag ang kaniyang mga magulang dahil wala nga silang sapat na pinansyal para dito.

ree

Ngunit nagsikap pa rin si Danah sa pagtratrabaho, kung minsan ay nag-oovertime pa ito sa trabaho upang magkaroon agad ng malaking ipon. Sinubukan niya din na maghanap pa ng ibang trabaho upang mabilis na makaipon. Lumipas ang mga buwan at halos wala pa sa kalahati ng presyo nito ang kaniyang naiipon kung kaya kinausap niyang muli ang kaniyang mga magulang upang magpatulong sa pag-iippon. Ipinaliwanag niya ng maayos sa kaniyang mga magulang at siya ay naintindihan na ng mga ito. Nagtatabi ang kaniyang mga magulang niya ng pera galing sa kanilang mga sahod. Hanggang sa kalahati na ng kailangan nilang pera ang naiipon nila dahil ito sa kanilang patutulungan. Lumpas ang isang taon at mga buwan ay naabot na nila ang ipon na kanilang nais upang mabili na ang franchise.

Bumili sila ng stall na kanilang ifafranchise at sa una ay hindi ito mabenta sapagkat bago pa lamang ito. Hanggang sa tumagal ay nababawi na nila ang kapital na kanilang ginastos. Nakabalik siyang muli sa pag-aaral at wala nang problema pa sa pinansyal. Nang siya ay makapag tapos ng pag-aaral ay nag pokus siya sa negosyo niya. Nagsikap siya at ngayon ay malaki na ang dati niyang maliit na negosyo. Kilala na ang kaniyang negosyo na noon ay wala man lang masyadong tumatangkilik dito. Natutunan niya sa buhay na sa murang edad ay kayang-kaya ng tao na magsimula ng isang maliit na negosyo at unti-unti itong palakihin gamit ang mga sangkap na tiyaga at sakripisyo. Ang lahat ng bagay at tagumpay ay makakamtasn din sa tamang oras at panahon lalo na kung ikaw ay masikap, matiyaga at may mahabang pasensya.

 
 
 

Yorumlar


© 2019 by TVOSB. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page