top of page
Search

Paano Ko Naumpisahan?

By: Mary Jane Durias

Napapanahon sa mga kabataan ngayon ang kagustuhan na makapag provide or makapag start na maliit na negosyo. Hindi dahil sa uso ito or trip lang nila kundi para makapag provide na sila ng gamit nila sa sarili lang na paraan. Gustong gusto ko makapag start kahit maliit na negosyo, nakakainggit dahil marami akong nakikita na students na may small business. Gusto ko din gawin ito dahil para makabawas ako ng gastusin sa magulang ko at makatulong na din. Nagsimula ito sa pag browse ko sa social media ko which is facebook. May nakita akong post na nakapag encourage sa akin para mag start ng small business. Sa post na iyon dahilan para maghanap or magtanong ako sa mga steps na ginawa niya.

ree

Sinimulan ko ang pagtanong sa nakita kong post sa facebook. Base sa post niya ay dati lang siyang isang regular student, nag-aaral lang bahay at paaralan lang naiikutan niya. Pero ngayon ay nag iba na hindi na siya yung tipikal na student na bahay at paaralan nalang. Nakakapunta na siya sa ibang lugar para makipag meet up dahil sa kanyang business. Dati ay nag-titinda tinda lang siya ng mga candy, junk food sa room nila. Hanggang sa napapadalas na ang pagbili sa kanya ng mga classmate niya and kahit taga ibang section ay bumibili na din sa kanya. Dahil sa marami ng nakakaalam sa tinitinda niya and may mga “suki” na siya ay unti-unting umaangat ang kanyang negosyo and lumalaki na din ang kanyang kita. Lahat lang ng iyon ay sariling sikap lang. Dahil sa negosyo niya ay nakakapag ipon ipon na din siya. Nakapag start na din siya ng business niya sa online. “Dating isang student na puro aral lang ang pinagkaka-abalahan ngayon ay student ng may pinagkakakitaan.”

Dahil sa post niyang iyon ay na motivate akong mag umpisa na rin. May kaunti akong ipon at pinang bili ko ng mga junk food and kaunting accessories na uso ngayon lalo na sa kapwa kong babae. Nung una pa ilan-ilan palang yung bumibili kase nahihiya pa ako mag alok sa mga classmate ko. Hanggang tinulungan ako ng kaibigan ko pag alok and habang tumatagal ay nasasanay na rin ako mag alok. And then one time biglang nag boom na din ang pag titinda ko. Marami ng bumibili sa akin and dahil dun unti unti na din lumalaki ang kita ko. Doon ako lalo na motivate na ipagpatuloy pa ang maliit kong negosyo. Base sa aking karanasan kailangan lang talaga ng may Makita or may mabasa tayong makakapag motivate sa atin and tulungan din natin ang sarili natin sa gagawin nating desisyon.

 
 
 

Comments


© 2019 by TVOSB. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page