top of page
Search

MASIKAP

By: Rica Jane Robles

ree

Dati, isang babaeng nag ngangalang Berna na nakilala ko sa aming lugar, sobrang saya ng pamilya nila pero isang araw nang nagkasakit ang tatay niya ay para bang nalugi sila, Nawalan ng trabaho pati narin ang nanay niya. Simula nung nangyari iyon, wala na silang ibang nagawa kundi mangutang nalang. Si Berna ay isang batang masipag mag-aral hindi ito nawawala ng honor sa kaniyang paaralan. Nang Makita niyang hirap na ang nanay niya, nakaisip siya ng paraan na makapag ipon habang bata pa. Dumating yung panahon na nakapag-ipon siya ngunit kinulang parin talaga. Ginawa nilang mag-nanay ay humanap nh trabaho at naisip ng kaniyang nanay ay mag-tinda sila sa palengke dahil may kapit-bhaya silang nagtitinda doon.

Habang nagtitinda siya sa palengke, marami siyang napag-tanto, naisip niyang tumigil sa pag-aaral at mag-trabaho nalang pero hindi pumayag ang nanay nito. Dahil sa ayaw ng nanay niya, naisip ng nanay niya na ipagpatuloy ang pagtitinda niya sa palengke at pagtapusin ng pag-aaral si Berna. Nakpag-aral si Berna ng college dahil lang sa nanay niyang nagtitinda sa palengke. Si berna ay gusto pa ring palitan ang lahat ng dulot sakanya ng kaniyang nanay. Inisip niyang gumawa ng business kahit lamang nag anon pa siya kabata. Tutal at magaling naman sya sa academics at matalinong bata, naisip niyang mag tutor ng mga bata na mag-aaral. Pumayag naman ang nanay ni Berna sa naisip nitong business.

Nang nagkaroon siya ng business na “TUTOR”, Sa una ay hindi siguro nagging madali dahil sabay ang pag-aaral at pagtuturo sa mga estudyante rin. Ngunit pinag-pursigihan niya ito para matuto siya at hindi lang nakaasa sa magulang. Habang patagal ng patagal ay nag improve ang pagtu-tutor niya . Iniipon niya ang mga kinikita niya at kapag nakakaipon, lahat ng pangangailangan nila ay napupunan na niya. Hanggang sa nadagdagan ang mga tinuturuan niya, nakaipon siya at pinag-patuloy ang pag-aaral ng college. Hanggang san aka-graduate si Berna , Nakapag-hanap siya ng mas magandang trabaho at nagging maganda ang buhay nila ng pamilya niya. Kaya tayong mga estudyante pa lang, Ugaliin nating makapag-ipon at makapag-plano kung ano ang mga dapat nating gawin para maging maayos ang buhay habang estudyante pa lang. Huwang maging tamad sa lahat ng bagay. Maging maparaan.

 
 
 

Comentários


© 2019 by TVOSB. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page