Learn and Start a Small Business
- The Voice Of Small Business
- Oct 24, 2019
- 2 min read
By: Nissa Mae San Jose

Kung nandito ka para matuto ipagpatuloy lamang ang pag –babasa ng aking blog. Sigurado akong marami kang matututunan sa mga mababasa mo. Matututo ka kung pano nga ba humawak ng pera, paano gamitin ng tama, at kung pano mag simula ng negosyo kahit nasa murang edad palamang. Kung naiisip mong kumita o kung gusto mong magkapera nang hindi humihingi sa magulang. Malaya kang mag simula ng isang maliit na negosyo sa kahit anong parran na gusto mo. Kung gusto mong mag-online selling, magtinda ng pagkain, make-up product, at kung ano-ano pa. Malaya kang gawin ang gusto dahil nasa sayo ang disesyon kung pano ka mag sisimula ng isang negosyo.
Kung marami kang katanungan kung pano nga ba mag simula ng isang maliit na negosyo. Bilang isang mag aaral palamang o nasa murang edad palang. Sigurado akong masasagot ko ang lahat ng katanungan sa iyong isipan, kaya manatili lang sa pag babasa. Sa pag sisismula ng isang negosyo dapat alam mo ang kahinaan mo at kalakasan mo dahil malaki ang posibilidad na ang kahinaan mo ang makakapekto sa iyong mag sisimula. Kailangan alam mo ang iyong goal kung bakit ka mag sisimula ng isang negosyo, dapat alam mo kung para saan nga ba ito, bakit mo ito gagawin. At dapat alam mo kung pano mag handle ng pagka-talo dahil sa pag- nenegosyo hindi maiiwasan ang pag kabigo, dahil hindi sa lahat ng pag kakataon ay panalo tayo. At kung natalo ka kailangan mong mag hanap nang paraan kung pano bumangon ulit dahil hindi sa isang pagkatalo natatapos ang iyong journey.
Sa pag-sisimula ng isang negosyo maliit naman yan o malaki kailangan mo parin iapply o ituro sa sarili mo ang mga nabanggit ko. Dahil hindi ka magiging matagumpay na negosyante kung mag papa-apekto ka sa iyong mga kahinanan sa buhay o yung mga pagkatalo mo sa pagsisimula ng isang negosyo. Sa pag sisimula ng maliit na negosyo dapat alam mo ang mga yan. Maraming salamat At sana sa mga nabasa mo may natutunan ka at sana iapply mo sa sarili mo ang mga natutunan mo.
Comments